Duyan

aling pag-ibig pa, ang hihigit kaya...sa pag-ibig sa tinubuang lupa?

Friday, July 01, 2005

TANGLAW

Sa gitna ng pagod at kahirapan

Pag-asa kang sa puso’y sumilay

Nasa isip ka habang nagsisikhay

Sa paglilingkod sa sambayanan.


Matarik at masalimuot ang landas ng digmaan

Puno ng tinik ang daan tungong tagumpay

Kamatayan man ang kahahantungan

Pag-ibig na taglay ang nagbibigay katatagan


Tayo man ay magkawalay o di na matugunan,

Ang aking abang alay na pagmamahal

Tuloy pa rin ang buhay sa aklasan,

Rebolusyunaryong ambag higit na ipagpupugay!

May 7, 2002

0 Comments:

Post a Comment

<< Home