Duyan

aling pag-ibig pa, ang hihigit kaya...sa pag-ibig sa tinubuang lupa?

Friday, July 01, 2005

KASAMA

Sa aking paglalakbay
Sa pakikibaka at buhay
Ngayon lamang natanto
Ang isang tulad mo

Sa mapanganib at marahas
Na landas ng digmaan
Ngayon lamang sumilay
Ang kasiyahang walang kapantay

Sa paggapi sa mga kontradiksyon
At pagpapanibagong hubog
Ngayon lamang nakawari
Ng katuwang sa pagpupunyagi

Tayo’y pwersa ng pagbabagong tunay
Tayo’y hukbo ng sambayanan
Tayo’y proletaryado na nagtataglay
Ng mataas na pampulitikang kamalayan

Ang rebolusyunaryong landas
Na ating tinatahak
Ang nagbigay daan
Sa ating pagtatagpo

Ang damdaming makabayan
At pagiging mapagmahal
Sa masa ng sambayan , ang nagluwal
Sa magiliw na pagtitinginan.

Tayo ngayo’y magsasabay
Sa daluyong ng aklasan
Kontradiksyon at tunggalian
Ay pangingibabawan

Rebolusyunaryong diwa
Lagi’t lagi ang gabay
Upang tayo’y magkasama
Hanggang sa tagumpay!

Sept. 26, 2002

0 Comments:

Post a Comment

<< Home