an attempt part 2
Hanggang ngayon, nais kong batukan ang sarili ko sa pandudustang ipinataw ko sa kanyang marangal na pagpupunyagi. Sa kabila naman
iniimplementa upang pang-akit sa investors. Edukasyong alinsunod sa maka-imperyalistang kurikulum upang makapaghubog pa ng mura at siil ngunit skilled na mga manggagawa. Siyempre pa, nariyan ang pulis at militar na mang-aagaw ng badyet na nakalaan sa edukasyon at iba pang batayang serbisyong panlipunan -oryentasyon sa kanila ay ipagtanggol ang mamamayan, ngunit sa iilang pulitiko at kapitalista nagpapakatuta. Samantala, naririyan palagi ang puwersa armada ng
“ Which all adds up to one thing – kanser ang sakit ng ating bayan! Kanser mula sa imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo na sa napakatagal na panahon ay siyang dahilan ng pagiging mala-kolonyal at mala-pyudal ng ating panlipunang sistema. Paghahari, pang-aapi at pagpapakasasa ng iilan sa masaganang yaman ng ating bansa habang pagkalubog sa kumunoy ng kahirapan ng batayang masa at panggitnang puwersa sa lipunan.”
Ahhh, kinakailangang magmulat, mag-organisa at magpakilos ng malawak na masa upang isulong ang kanilang mga interes at karapatan. Ang pagkakaisa ng sambayanan ay siyang magiging mapagpasya upang mabago ang lipunan. At paano nga ba ito mababago?
“Rebolusyong pambansa demokratiko ang katangian, radikal dapat ang pagbabago at hindi lamang reporma.
“Tayo ay nasa isang tunggalian – tunggalian ng uring nagsasamantala at pinagsasamantalahan. Sa mapagpasyang pagkakabuklod ng lahat ng uring inaapi at dinudusta na ibagsak, durugin ang naghaharing uri at ang bulok na sistema ang tanging solusyon upang tayo’y tumungo sa isang lipunang walang konsepto ng pribadong pag-aari at kapital.
ay doon nakabase. Sa pamamagitan ng pambansa demokratikong prente, kinukubkob naman natin ang kalunsuran na siyang nagkokonsolida sa lahat ng sektor na kalahok sa rebolusyon.
“At hindi naman basta lamang insureksyon, krimen o terorismo - pinag-aaralan ang mga taktika at istratehikong kondisyon sa paglulunsad nito. Ang Partido Komunista ang siyang kataas-taasang organo na gumagabay sa pangkalahatang programa at estratehiya ng laban. Pinapalaganap nito ang prinsipyong MLKMZ na inuugnay sa lahat ng gawain sa ideolohiya, pulitika at organisasyon.
“Matagalan ang digmaan, ngunit ang relatibong krisis na dulot pandaigdigang sistema ng imperyalismo ang siyang magdudulot ng matinding kahirapan na tutulak sa daan-libong mamamayan na magpunyagi at lumaban. Walang ibang patutunguhan ang mamamayan kundi ang pagkamit ng tagumpay!”
Ang lahat ng kanyang pinapaliwanag ay aking pinakikinggan at inaangkupan ng tamang tugon na sumasang-ayon subalit hindi lubusang umiintindi at nagsusuri. Adbenturismo pa nga ang umiral na palagay sa akin. Isang exciting na pangyayari sa buhay na puwedeng isalaysay sa malayong hinaharap sa iyong mga anak at apo. Sakripisyo’t kamatayan ang mga sukatan ng pinagsasabi niyang ito. Ganoon pa kababaw ang pagsusuri ko at hindi gaanong pinag-ukulan ng lubhang pag-aalala. Likas na pasibo at konserbatibo – wala ring bahid ng pag-aalala ang dumapo sa aking damdamin na delikado ang kanyang napasukan o na siya’y maaring dakpin, lapastanganin – patayin ng pulis o militar dahil sa pagkakasangkot sa rebelyon. Nalulong sa burges at pyudal na pag-iisip at pasibong pamumuhay, ako’y isa sa napakaraming mulat na nagbubulag-bulagan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home